Amnesty, Human Rights Watch sa Russia, isasara na
Inihayag ng Russia, na isasara na nito ang mga lokal na tanggapan ng higit isang dosenang international organisations kabilang ang Human Rights Watch, Amnesty International at Carnegie Endowment for International Peace.
Sinabi ng justice ministry na 15 mga organisasyon ang tinanggal na sa registry of international organisations at foreign NGOs ng Russia, dahil sa “paglabag sa kasalukuyang batas ng Russian Federation,” nguni’t hindi na nagbigay ng dagdag na mga detalye.
Isinara na rin ng Russia ang mga lokal na tanggapan ng Friedrich Naumann Foundation for Freedom, Friedrich Ebert Foundation, Aga Khan Foundation, Wspolnota Polska Association at iba pang mga organisasyon.
Ang anunsiyo ay ginawa sa ika-44 na araw ng military campaign ng Russia sa pro-Western Ukraine, kung saan libu-libo na ang nasawi at higit sa 11 milyon ang lumikas mula sa kanilang tahanan o sa bansa, sa pinakamalalang refugee crisis sa Europe simula noong World War II.
Ayon naman kay Agnes Callamard, Secretary General ng Amnesty International . . . “We will redouble our efforts to expose Russia’s egregious human rights violations both at home and abroad. In a country where scores of activists and dissidents have been imprisoned, killed or exiled, where independent media has been smeared, blocked or forced to self-censor, and where civil society organizations have been outlawed or liquidated, you must be doing something right if the Kremlin tries to shut you up.”
Sa nakalipas na taon, pinamunuan ng Russian authorities ang pagsugpo sa hindi sumasang-ayon at independiyenteng pamamahayag, na hindi pa nangyari noon.
Sa huling bahagi ng nakalipas na taon ay ipinasara ng Russia ang Memorial, ang pinaka prominenteng rights group ng bansa.
Itinatag noong 1989 ng mga sumasalungat sa Soviet kabilang ang Nobel Peace Prize laureate na si Andrei Sakharov, itinatala nito ang mga paglipol sa Stalin-era at nangampanya rin para sa mga karapatan ng mga bilanggong pulitikal at iba pang marginalized groups.