Pilipinas at Japan, nagkasundong palalakasin pa ang security ties
Nagkasundo ang Pilipinas at Japan na palakasin pa ang ugnayang pangseguridad, sa unang foreign at defense ministerial meeting nitong Sabado, sa harap ng mga alalahanin sa maritime activities ng China.
Ito ang unang tinatawag na two-plus-two talks sa pagitan ng dalawang ka-alyado ng US, na kapwa may inaangking teritoryo kasama ng Beijing.
Ayon kay Japanese foreign minister Yoshimasa Hayashi . . . “Our two countries share serious concern about the situation in the East and South China Sea and we agreed to ensure observing international laws including the 2016 arbitral award to the Philippines in disputes with China, as well as the UN Convention of the Law of the Sea.”
Inaangkin ng China claims ang halos kabuuan ng South China Sea, sanhi paramagkaroon ito ng sigalot sa ilang bansa sa Timog Silangang Asya.
Noong 2016, isang international tribunal sa The Hague ang nagpawalang bisa sa pag-aangkin ng China sa South China Sea, subali’t hindi pinansin ng Beijing ang naturang pasya.
Sinabi pa ni Hayashi . . . “In the meeting, we were able to confirm our will to further enhance our collaboration in dealing with regional and global challenges and our cooperation towards the realization of the Free and Open Indo-Pacific.”
Kabilang aniya sa mga larangan ng pagtutulungan ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga daanan ng dagat sa Timog Silangang Asya, at talakayan tungo sa pagpapalawak ng magkasanib na mga pagsasanay at pagpapalitan ng militar, bukod sa iba pa.
Ayon naman kay Philippine defense secretary Delfin Lorenzana . . . “We exchanged views on regional security issues of common concern, notably freedom of navigation and over flight and compliance with international laws including the 2016 tribunal decision.”
Besides the Philippines, Japan has formed a two-plus-two framework with eight other countries — the United States, Australia, Britain, France, Germany, India, Indonesia and Russia.