Pilipinas kabilang sa malakas ang Ekonomiya sa Asean +3
Inaasahang magiging malakas ang economic performance ng Pilipinas kasama ang Vietnam sa ASEAN+3 Region ngayong taon.
Pero kailangan ding isipin ang nananatiling inflation risks.
Sa paglulunsad ng ASEAN+3 Regional Economic Outlook sinabi ng Singapore-based ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) na lalago ang Philippine Economy sa 6.5 percent ngayong taon.
Mas mataas ito kumpara noong nakalipas na taon na nasa 5.7 percent at mababa sa government target na seven hanggang nine percent growth para sa 2022.
Sinabi ni AMRO Chief Economist Hoe Ee Khor ang paglago ng ekonomiya ng bansa ay dahil sa kapwa government at private sector spending.
Isa naman sa nakikitang malaking hamon sa pagbangon ng ekonomiya ay ang pagtaas muli ng COVID infections .