50 opisyal ng Visayas for Isko – Sara alliance,lumagda ng manifesto
Limampung opisyal ng Visayas for Isko – Sara alliance ang lumagda sa isang manifesto para sa kanilang nagkakaisang suporta sa kandidatura ni Mayor Isko Moreno.
Para naman sa bise presidente, ang kanilang isinusulong si Davao city Mayor Sara Duterte.
Samantala, sa isang resolusyon, nagdeklara rin ng suporta kay Moreno ang Philippine Comprehensive Agrarian Reform Beneficiaries Association na kinaaaniban ng mga magsasaka at mangingisda mula sa Cavite.
Si Cebu Congressman Pablo John Garcia nagdeklara rin ng buong suporta kay Moreno.
Sa isang statement sinabi ni Garcia na kahit na iba ang sinusuportahan ng kanilang partido na One Cebu, nananatiling na kay Moreno ang kanyang suporta hanggang sa mismong araw ng halalan.
Madelyn Villar-Moratillo