VP Leni Robredo posibleng manguna umano sa pagsasagawa ng karahasan sakaling hindi ito ang manalo sa eleksyon sa Mayo

Itinuro ni Manila Mayor at Presidential candidate Isko Moreno ang kampo ni Vice president Leni Robredo na posibleng manguna umano sa pagsasagawa ng karahasan sakaling hindi ito ang manalo sa eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Moreno, ito’y kung pagbabatayan ang umano’y mga pahayag ni Robredo na posibleng magkagulo kapag hindi sila ang ibinoto.

Para kay Moreno ikinukundisyon na ng kampo ni Robredo ang isip ng tao na magkakaroon ng mga karahasan kapag natalo ito sa eleksyon sa Mayo.

Ayon naman kay dating National Security Adviser Norberto Gonzales, hindi malayong mangyari ito dahil si Robredo ay may alyansa sa mga rebeldeng komunistang New peoples army.

Kinumpirma naman ni Presidential aspirant Ping Lacson na may grupong kumikilos na para manggulo sakaling manalo sa eleksyon sa mayo si dating Senador Bongbong Marcos.

Ayon kay Lacson na dating pinuno ng pambansang pulisya, nakatanggap sya ng intelligence report na posibleng magsagawa ng pananabotahe sa mismong araw ng eleksyon.

Pero bina-validate pa aniya ang mga hawak nilang impormasyon.

Tinawag naman nilang iresponsable si Robredo dahil sa tila panghihikayat pa ng karahasan,samantalang pangalawa ito sa pinakamataas na lider ng bansa.

Bumuo na ng alyansa ang kandidato sa pagkaPangulo para harangin ang anumang banta sa pagdaraos ng eleksyon.

Kailangan anilang magkaroon ng demokratikong proseso ng halalan at dapat manaig ang rule of law.

Meanne Corvera

Please follow and like us: