Mas mataas na turnout sa Overseas voting ngayong May 9 elections asahan – Comelec
Kumpiyansa ang Commission on Elections sa mas mataas na turnout sa overseas voting ngayong May 9 elections.
Ayon sa Comelec, ilang araw bago matapos ang Overseas voting, umabot na sa 27% ang voter turnout katumbas ito ng 458,324 registered voter na bumoto.
Ang 167, 856 rito ay mula sa Asia Pacific Region, 45 964 mula sa Europa, 173,229 mula sa Middle East at Africa, at 71 274 mula sa North at Latin American Region.
Naniniwala si Comelec Commission Marlon Casquejo na malaking tulong rin sa pagpapataas ng bilang ng mga bumoboto ay ang bagong sistema sa overseas voting o iyong kahit saan pwede silang bumoto kung saan 1,791 ang naaprubahan.
Sa ilalim ng sistema na ito, ang isang OFW na rehistradong botante sa partikular na bansa, pwede paring makaboto sa nilipatan nyang bagong bansa.
Noong 2019, ayon sa Comelec ay nasa 32% ang voter turnout para sa overseas voting.
Para sa OAV, may mahigit 1.6 milyong botante ang nagparehistro.
Madelyn Villar -Moratillo