Sure voters ni BBM, nasa 90%– Publicus survey
Umaabot sa 90% ng mga tagasuporta ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang nagsabing hindi na magbabago ang isip sa pagboto sa kanya.
Ito ay batay sa pinakahuling survey ng PUBLiCUS Asia, Inc. na isinagawa noong May 2 hanggang 5 na nilahukan ng 1,500 registered voters bilang respondents.
Tinanong sa survey kung magbabago pa ang desisyon ng respondents sa nalalapit na eleksyon.
Samantala, nanguna pa rin si Marcos sa survey na may 54% voter preference.
Lamang si Marcos ng 32 percentage points laban sa kanyang pinakamalapit na katunggali sa pagka-pangulo na si Leni Robredo na may 22% voter preference.
Pangatlo naman si Manila Mayor Isko Domagoso na may 8%, sumunod sina Senador Ping Lacson na 4% at Senador Manny Pacquiao na 2%.
Nangunguna naman sa pagka- bise presidente ang runningmate ni Marcos na si Inday Sara Duterte na may 59% voter preference.
Nasa 43-percentage point ang lamang ni Duterte laban sa kanyang pinakamalapit na kalaban sa pagka-pangalawang-pangulo.
Napanatili nina Marcos at Duterte ang pagiging frontrunners sa lahat ng major pre-election surveys ilang araw bago ang halalan.
Madelyn Moratillo