COC’s at ER’s na gagamitin ng NBOC nasa loob na Kamara

Doble higpit na ang ipinatutupad na security at health protocol ng mga security personnel ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga Certificate of Canvass o COC’s at Election Returns o ER’s na nanggaling sa Senado na gagamitin ng National Board of Canvassers o NBOC para bilangin ang boto at pagproproklama sa nanalong bagong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa kaugnay ng ginanap na halalan noong May 9 ng taong kasalukuyan.

Alas singko kaninang umaga nang opisyal nang nailipat ang mga COC’s at ER’s mula sa Senado patungo ng kamara.

Sinakay ng senate-sergeant-at-arms at mga tauhan sa anim na six-by-six trucks at ineskortan ng magkasanib na pwersa ng AFP, PNP at MMDA patungo ng house of representatives.

Bukas Araw ng Martes May 24 inaasahang sisimulan ng National Board of Canvassers ng Kongreso ang canvassing ng Presidential at vice Presidential elections.

Mag-ko-convene muna sa joint session ang Senado at Kamara para magsilbing National Board of Canvassers o NBOC na magka-canvass at magpo-proklama kina presumptive president Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. at presumptive Vice president Sara Duterte Carpio.

Titiyakin din ng Kamara na mahigpit na naipatutupad ang health protocols sa mga pupunta para saksihan ang canvassing.

Vic Somintac

Please follow and like us: