31 nailigtas habang 11 pa ang nawawala matapos lumubog ang isang ferry sa Indonesia

This picture taken on May 29, 2022 shows rescue personnel assisting a saved passenger from the Ladang Pertiwi 02 ferry, which ran out of fuel and sank in bad weather off the coast of Indonesia, after arriving in Kotabaru, South Kalimantan. – Thirty-one people have been rescued and 11 are still missing after a ferry ran out of fuel and sank in bad weather off the coast of Indonesia, an official said on May 30. (Photo by AFP)

Tatlompu’t isa katao ang nailigtas at nawawala naman ang 11 pa makaraang maubusan ng gas at lumubog ang isang ferry, sa kasagsagan ng sama ng panahon sa may baybayin ng Indonesia.

Ang mga nakaligtas ay dinala sa pampang ng local tugboats at mga manginigisda, matapos lumubog ang KM Ladang Pertiwi habang naglalayag sa Makassar strait sa South Sulawesi province,

Ayon sa head ng local search and rescue team na si Djunaidi . . . “Until now 31 people have been rescued alive and we are still looking for 11 more people who are still missing. They have returned home now and they are generally in good health.”

Nag-deploy na ang rescuers ng isang helicopter at pinalawak ang search area hanggang sa 20 nautical miles mula sa pinaglubugan ng ferry, para hanapin ang mga nawawala.

Ayon kay Djunaidi, ang bangka ay walang permit para magbyahe ng mga pasahero. Inimbitahan na nila kapwa ang kapitan at may-ari ng ferry para kuwestyunin.

Wala ring opisyal na manipesto ng mga pasahero – karaniwan sa isang bansa kung saan ang mga tripulante minsan ay nagbebenta ng mga iligal na tiket na lampas sa opisyal na kapasidad ng mga barko – ngunit sinabi ng mga awtoridad na naniniwala sila na mayroong 42 katao ang nakasakay nang lumubog ang ferry.


© Agence France-Presse

Please follow and like us: