Hindi bababa sa 16 patay, 170 nasaktan sa sunog sa Bangladesh depot
Hindi bababa sa 16 katao ang nasawi at 170 iba pa ang nasaktan, matapos sumiklab ang malaking sunog sa isang container depot sa southern Bangladesh.
Sinabi ni fire service officia Jalal Ahmed, na sumiklab ang sunog ilang sandali bago maghatinggabi sa isang container storage facility sa Sitakunda, humigit-kumulang 40 kilometro (25 milya) mula sa pangunahing pantalan ng Chittagong.
Ayon naman sa kay Chittagong chief doctor Elia Chowdhury . . . “Sixteen people have been killed in the fire. The number of fatalities is expected to rise as some of the injured are in critical condition.Some 170 people were injured including at least 40 firefighters and 10 police officers. Three firefighters were also killed.”
Sinabi ni Chowdhury na ang mga nasaktan ay isinugod sa iba’t-ibang ospital sa rehiyon.
Aniya, ang bilang ng nasawi ay maaari pang tumaas dahil nasa 20 katao pa ang namamalaging kritikal ang kondisyon, dahil sa tinamong 60-90 porsiyentong sunog sa katawan.
Ayon sa local media, humigit-kumulang sa 300 ang nasaktan habang bumaha naman sa social media ang request para sa blood donations.
Sinabi ni Mominur Rahman, chief administrator ng Chittagong district, ang depot ay naglalaman ng milyun-milyong dolyar na halaga ng garment products na naghihintay na lamang na i-export sa Western retailers, na ang Bangladesh ang pangunahing supplier.
Ayon kay Ruhul Amin Sikder, tagapagsalita para sa Bangladesh Inland Container Association (BICA), ilan sa mga container na nasa 30-ektaryang pribadong depot ay naglalaman ng mga kemikal gaya ng hydrogen peroxide.
Pahayag naman ng direktor ng B.M. Container Depot, na si Mujibur Rahman, hindi pa rin batid ang sanhi ng sunog at idinagdag na ang pasilidad ay mayroong humigit-kumulang 600 manggagawa.
Noong 2020, tatlong trabahador ang namatay matapos sumabog ang isang oil tank sa isa pang container depot sa katabing Patenga area, habang 70 naman ang nasawi nang lamunin ng apoy ang ilang apartment blocks sa Dhaka, kapitolyo ng Bangladesh.
Karaniwan na ang mga sunog sa Bangladesh dahil sa kakulangan ng pagpapatupad sa safety rules. Noong July 2021, 54 katao ang nasawi nang masunog ang isang malaking food-processing factory sa labas ng Dhaka.
© Agence France-Presse