Israeli missiles, naharang ng Syria

(FILES) A picture taken in the Israeli-occupied Golan Heights on May 14, 2022, shows members of the United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF) monitoring the Syrian side of the border with Israel, following an Israeli air strike on central Syria. (Photo by JALAA MAREY / AFP)

Naharang ng Syrian air defense ang Israeli missiles sa timog ng Damascus.

Ayon sa isang military source . . . “The Israeli enemy carried out an airstrike from the occupied Syrian Golan, targeting points south of Damascus, with Syria’s air defense intercepting most of the missiles. The losses were limited to material damage.”

Sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights war monitor na may malawak na network ng sources sa loob ng Syria, na target ng airstrike ang mga lugar sa southern Damascus countryside kung saan aktibo ang Lebanese Hezbollah group at Syrian air defense units.

Ayon sa Observatory, noong nakalipas na buwan ay hindi bababa sa tatlong Syrian officers ang nasawi sa Israeli surface-to-surface missiles strike malapit sa Damascus, kung saan tinarget ng Israeli strikes ang Iranian positions at weapon depots.

Simula nang mag-umpisa ang civil war sa Syria noong 2011, nagsagawa na ang Israel ng daan-daang air strikes kung saan tinarget nito ang government troops maging ang ka-alyado nitong Iran-backed forces at fighters ng Shiite militant group na Hezbollah ng Lebanon.

Bagama’t bihirang magkomento ang Israel tungkol sa individual strikes, inamin nito na nagsagawa sila ng daan-daang strikes. Idinepensa naman ng Israeli military na kailangan iyon para mapigilan ang kalabang Iran na magkaroon ng kontrol.

Ang hidwaan sa Syria ay ikinamatay na ng halos kalahating milyong katao at humigit-kumulang sa kalahati ng pre-war population ng bansa ang napilitang lumikas mula sa kanilang tahanan.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: