US Deputy Sec. of State Wendy Sherman, makikipagpulong kay President-elect BBM at iba pang opisyal
Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si US Deputy Secretary of State Wendy Sherman.
Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Indo-Pacific region na pupuntahan ni Sherman mula June 5 hanggang 14.
Ito ang unang pagkakataon na bibisita sa Pilipinas si Sherman.
Ayon sa US Department of State, makikipagkita si Sherman kay President-elect Bongbong Marcos Jr. sa pagbiyahe nito sa bansa.
Gayundin, ang ilang incoming na mga opisyal ng Marcos Government at mga outgoing officials ng Duterte Administration.
Pangunahin sa tatalakayin sa pakikipagpulong ni Sherman sa susunod na gobyerno ang mga bagong pamamaraan upang lalong mapaigting ang alyansa ng Amerika at Pilipinas.
Ilan sa mga bansa pupuntahan din ng US diplomat ang South Korea, Vietnam, at Laos.
Moira Encina