PRRD, pangungunahan ang ika-124 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Maynila sa June 12

Personal na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdiriwang ng ika-124 na anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas sa Linggo, June 12 na gaganapin sa Rizal Park sa Luneta sa lungsod ng Maynila.

Ito na ang huling Independence Day celebration na dadaluhan ni Pangulong Duterte bilang Presidente ng bansa.

Ang tema ng pagdiriwang ng Kalayaan ngayong taon ay “Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas”.

Pagkatapos ng Independence Day rites ay agad na magtutungo si Pangulong Duterte sa Port Area sa Maynila para sa commissioning ng bagong barko ng Philippine Coast Guard na BRP Melchora Aquino.

Magtutungo din ang Pangulo sa Barangay Ugong sa Valenzuela city upang pangunahan ang lowering ng kauna-unahang Tunnel Boring Machine para sa Metro Manila Subway Project at bubuksan din ang Philippine Railways Institute Interim Simulator Center.

Vic Somintac

Please follow and like us: