Minions’ nanguna sa N.American theaters sa July 4th weekend
Dinomina ng Minions: The Rise of Gru, ang latest installment sa animated “Despicable me” franchise, ang kompetisyon sa North American box office sa kaniyang opening weekend, kung saan inaasahang kumita ito ng $127.9 million sa apat na araw na July 4th holiday.
Sinabi ng industry watcher na Exhibitor Relations, malayong-malayo ang “Minions” ng Universal sa number two film na “Top Gun: Maverick” na kumita ng $32.5 million.
Ayon sa analyst na si David A. Gross ng Franchise Entertainment Research . . . “This is a sensational opening. Family animation, more than any other genre, has struggled to find its footing during the pandemic. This weekend, ‘Minions’ is breaking through and big animation is back in business.”
Sa sandaling makumpirma, ang kinita ng ika-limang chapter ng “Despicable Me” series tungkol sa reformed super-villain na si Gru at kaniyang yellow Minions, ang magiging “highest film opening” sa Independence Day, at tumalo sa highest Independence Day film opening noong 2011 na “Transformers: Dark of the Moon.”
Samantala, nasa ikalawang puwesto ang “Top Gun: Maverick” ng Paramount, ang crowd-pleasing sequel sa original 1986 film na muling kinatatampukan ni Tom Cruise bilang si Pete “Maverick” Mitchell, na isang US Navy test pilot.
Ang pelikula ay kumita ng higit $1.1 billion sa buong mundo.
Bumagsak naman sa 3rd place sa ikalawang linggo ng kaniyang pagpapalabas ang music biopic na “Elvis” ni Baz Luhrmann – na pinagbibidahan ng baguhang si Austin Butler bilang Elvis kasama ni Tom Hanks na gumanap sa papel ni Colonel Tom Parker, manager ni Elvis. Kumita ito ng $23.7 million.
Ang ika-apat na puwesto ay napunta sa “Jurassic World Dominion,” ang ika-anim na installment ng “Jurassic Park” franchise ng Universal. Kumita naman ito ng $19.2 million.
Ang latest dinosaur frightfest ay pinagbibidahan ni Chris Pratt at Bryce Dallas Howard, kasama ng franchise originals na sina Sam Neill, Laura Dern at Jeff Goldblum.
Ang “The Black Phone” na kinatatampukan ni Ethan Hawke bilang isang serial killer, na kumita ng $14.6 million sa ikalawang linggo ng pagpapalabas nito, ang nasa panglimang puwesto.
Narito naman ang kukumpleto sa top 10:
“Lightyear” ($8.1 million)
“Mr Malcolm’s List” ($1 million)
“Everything Everywhere All At Once” ($673,000)
“Doctor Strange in the Multiverse of Madness” (482,000)
“Marcel the Shell with Shoes On” ($307,750)
© Agence France-Presse