Copenhagen, may memorial para sa mga biktima ng pamamaril sa mall
Libu-libo ang nagtipon sa Copenhagen para magbigay ng tribute sa mga biktima ng mall shooting incident nitong weekend, na ikinasawi ng tatlo katao kabilang ang dalawang teenagers.
Sa kaniyang talumpati sa harap ng maraming tao sa labas ng Fields shopping center na nasa pagitan ng city centre at airport ng kapitolyo, kung saan nangyari ang pag-atake, sinabi ni Prime Minister Mette Frederiksen . . . “Three lives were taken from us. A man and two young people. Several were injured, the attack has many victims. Cruel, unjust and senseless. Tonight, we all mourn.”
Linggo ng hapon nang mangyari ang pamamaril sa siyudad, na katatapos lamang mag-host sa opening stages ng Tour de France cycling competition, at sumaksi sa pagbabalik ng Roskilde music festival makaraan iyong makansela sanhi ng Covid-19.
Ayon kay Copenhagen mayor Sophie Andersen . . . “It’s not hard to imagine what if it was my child,? I’m the mother of two teenagers. Children and young people should not die. They should be immortal.”
Samantala, dumalo rin sa memorial service si Prince Frederik ng Denmark.
Sinabi naman ng 24-anyos na si Oliver Stoltz, na nagtatrabaho sa isang sporting goods store at kasalukuyang naka-duty nang mangyari ang pamamaril . . . “I’m quite ambivalent. Of course it’s nice to see all these people who are here to support the people who have been hurt by this action, but I’m also a little scared. This used to be a place where I can go work, be happy and have a good time. Now I dread even coming out here to this part of town.”
Ang umano’y suspek sa pamamaril na isang 22-anyos na lalaking Danish, na ayon sa mga awtoridad ay kilala sa mental health services, ay nasa isang “closed psychiatric ward” na.
Sinabi naman ng pulisya nitong Martes, na wala pa silang bagong mga impormasyong maipalalabas kaugnay ng imbestigasyon.
Ayon sa public broadcaster na DR, banggit ang ilang hindi pinangalanang sources, tinangka ng suspected gunman na humingi ng psychological help ilang sandali bago ang pag-atake, ngunit hindi ito kinumpirma ng mga awtoridad.
Sinabi ng dating kapitbahay ng suspek na kinapanayam ng isang pahayagan, na may problema na ito mulang pagkabata. Sa eskuwelahan aniya, ay nahihirapan ang suspek na makaagapay sa stress na dulot ng dami ng tao sa kaniyang paligid.
Ang 22-anyos ay suspek sa tatlong pagpatay, kung saan kabilang dito ang isang 46-anyos na lalaking Russian na nakatira sa Denmark, isang 17-anyos na babae at lalaki na kapwa Danish.
Isa sa mga ito ay nagtatrabaho sa cinema sa shopping centre kung saan naganap ang pag-atake. Ang suspek ay nahaharap din sa pitong bilang ng attempted murder.
Apat sa mga ito ay malubhang nasaktan ngunit stable na ang kondisyon. Ayon sa mga awtoridad, kinabibilangan ito ng dalawang babaeng Danish edad 19 at 40, isang 50-anyos na lalaking Swedish at isang 19-anyos na babaeng Swedish.
Tatlong iba pa ang nagtamo ng light injuries na kinabibilangan ng dalawang babaeng Danish edad 15 at 17, at isang 45-anyos na lalaking Afghan na naninirahan sa Denmark.
Ang Fields shopping centre ay isinara na mula nang mangyari ang shooting incident, at inaasahang muling bubuksan sa Lunes, July 11, 2022.
© Agence France-Presse