Tatlong kontrobersiyal na kanta ni Michael Jackson, inalis na mula sa mga streaming site
Sinabi ng Sony at ng estate ng pumanaw nang si Michael Jackson, na tatlong kanta nito ang inalis sa streaming sites kasunod ng matagal nang mga pagtatalo na hindi siya ang umawit ng mga iyon.
Ang “Breaking News,” “Monster,” at “Keep Your Head Up” ay kasama sa 2010 compilation album na may pamagat na “Michael,” na inilabas isang taon makaraang mamatay ni Jackson dahil sa isang drug-induced cardiac arrest.
Argumento ng ilang fans, ang totoong tinig sa nabanggit na mga kanta ay sa American session singer na nagngangalang Jason Malachi, bagay na pinabulaanan ng Sony.
Gayunman, inihayag ng record company at ng Jackson estate na nagpasya silang alisin na ang mga awitin . . . “as the simplest and best way to move beyond the conversation associated with these tracks once and for all.”
Sinabi rin nila sa kanilang joint statement, na ang pag-aalis ay walang kinalaman sa kung authentic ba o hindi ang nabanggit na mga kanta.
Ayon sa pahayag . . . “Nothing should be read into this action concerning the authenticity of the tracks — it is just time to move beyond the distraction surrounding them, but the seven other tracks on ‘Michael’ would remain available.”
Nang ilabas ito noong December 2010, ang “Michael” ay sinasabing naglalaman ng hindi pa naipalalabas na mga awitin na nakumpleto kamakailan gamit ang original vocal tracks at mga musikang nilikha ng “credited producers.”
Ang mga iyon ay isinulat umano at ini-record ni Jackson kasama ang producers na sina Edward Cascio at James Porte noong 2007.
But ardent fans and even some Jackson family members expressed skepticism and Sony was forced to release a statement saying it had “complete confidence” that the vocals belonged to Jackson.
Ngunit ang masigasig na mga tagahanga at maging ang ilang miyembro ng pamilya Jackson, ay nagpahayag ng pag-aalinlangan at napilitan ang Sony na maglabas ng isang pahayag na nagsasabing mayroon itong “kumpletong tiwala” na ang tinig sa mga awitin ay kay Jackson.
Sinabi pa ng mga nagdududa, na ang mga kanta ay si Malachi ang talagang umawit at ayon sa TMZ ay umamin ito sa isang 2011 Facebook post na ganoon nga.
Kalaunan ay itinanggi iyon ng kaniyang manager, sa pagsasabing ang post ay pineke.
Noong 2014, naglunsad ang isang fan na si Vera Serova ng isang class-action lawsuit sa California laban sa Sony, Jackson estate, Cascio at Porte at inakusahan silang nagsinungaling sa mga consumer.
Nagpasya ang isang appeals court pabor sa Sony at sa estate noong 2018, kaya’t umapela si Serova sa supreme court ng California ayon sa TMZ.
Hindi nanindigan ang mga hukom kung si Jackson nga ang totoong kumanta sa mga naturang awitin, at ang kontrobersiya ay hindi natapos.
© Agence France-Presse