Sri Lanka nagdeklara ng isang state of emergency matapos umalis ng kanilang pangulo

(FILES) In this file photo taken on January 3, 2020, President Gotabaya Rajapaksa makes his first policy address at the national parliament after his landslide electoral victory, in Colombo. (Photo by Ishara S. KODIKARA / AFP)

Inihayag ng tanggapan ng prime minister, na ang Sri Lanka ay nagdeklara ng isang “indefinite nationwide” state of emergency ngayong Miyerkokes, ilang oras matapos umalis sa bansa si President Gotabaya Rajapaksa.

Ayon kay Dinouk Colombage, tagapagsalita para kay Prime Minister Ranil Wickremesinghe . . . “Since the president is out of the country, an emergency has been declared to deal with the situation in the country.”

Sinabi ng pulisya, na magpapatupad din sila ng isang “indefinite curfew” sa buong Western Province, na kinabibilangan ng kapitolyong Colombo, upang mapigil ang lumalawak na protesta matapos umalis ng bansa ni Rajapaksa patungo sa Maldives lulan ng isang military aircraft.

Libu-libong demonstrador ang sumugod sa tanggapan ng prime minister, sanhi upang sabuyan sila ng tear gas upang mapigilan silang makubkob ang compound.

Sinabi ng isang senior police officer . . . “There are ongoing protests outside the prime minister’s office in Colombo and we need the curfew to contain the situation.’

Aniya, tumanggap sila ng utos na sawatain ang mga demostrador na pumipinsala na sa gawain ng estado.

Matatandaan na dinumog ng libu-libong mga babae at lalaki ang opisyal na tirahan ni Rajapaksa noong Sabado, sanhi para mapilitan itong tumakas patungo sa isang base militar at kalaunan ay lisanin na ang bansa.

Ayon sa mga opisyal, nangako ang pangulo na magbibitiw na sa puwesto ngayong Miyerkoles.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: