Fans ng ‘Thrones’ at ‘Rings’ handa na sa pagbabalik ng Comic-Con
Sa wakas ay babalik na ang Comic-Con sa San Diego ngayong linggo, kung saan ang bagong “Lord of the Rings” at “Game of Thrones” TV series ay magkokompetensensiya sa pamamagitan ng libu-libong cosplaying geeks at nerds sa pinakasikat na pop culture gathering sa mundo.
Ipasisilip din ng Disney at ng kaniyang Marvel superheroes ang paparating nilang mga pelikula at palabas sa mga tagahanga sa malawak na convention, na hindi buong naisakatuparan sa loob ng tatlong taon sanhi ng pandemya.
Ayon kay David Glanzer, communications chief ng event . . . “I think it’ll look like Comic-Con from 2019, even if guests — whether dressed as hobbits, dragons or princesses — will be required to wear face masks. We weathered it. And now coming back, maybe we’re gonna have tears of joy… it’s very emotional,”
Bukod sa 135,000 fans, hinahatak din ng comic book, science fiction at fantasy extravaganza ang pinakamamalaking studio sa Hollywood at ang kanilang A-list stars para ipasilip ang paparating nilang mga palabas — na ngayong taon ay pasisimulan ng “Dungeons and Dragons: Honor Among Thieves” ng Paramount studios.
Bilang unang pagkakataon na ang pinakapopular na role-playing game ay ginawan ng isang mega-budget silver-screen adaptation, ang pelikula na ipalalabas sa Marso ng 2023 ay pagbibidahan nina Chris Pine, Hugh Grant at ng dating “Bridgerton” heartthrob na si Rege-Jean Page.
Subalit ang headlines ng linggo ay nakatakdang dominahin ng dalawang malalaking fantasy series na malapit nang mapanood sa telebisyon. Ito ay ang “Lord of the Rings: The Rings of Power” ng Amazon Prime at ang “House of the Dragon” ng HBO.
Ang “The Rings of Power” ang lubhang maambisyosong saga na inspired ng mundo sa linro ni J.R.R. Tolkien, na ang setting ay bago ang mga event sa Oscar-winning trilogy ni Peter Jackson.
Ang serye na magkakaroon ng limang season, na ang una ay ilulunsad sa September 2 — ay napaulat na ginugulan ng Amazon ng higit $1 billion, at sinasabing “personal obsession” ng founder na si Jeff Bezos.
Malaking bahagi ng nabanggit na halaga ay napunta sa pagbili sa rights ng Tolkien universe, at sa “lavish production values,” na ang malaking halaga ay inilaan para sa “activations,” o “immersive fan experiences,” sa Comic-Con.
Sa Biyernes ay dadalhin ng Amazon ang kaniyang cast ng hobbits, elves at dwarves sa cavernous Hall H ng venue, kung saan pumila ng ilang oras o araw ang fans sa pag-asang unang makaranas ng “detailed look” ng serye.
Kinabukasan, Sabado, ang “House of the Dragon” — ang unang spin-off sa “Game of Thrones” na ang setting ay ang fictional world ng Westeros ni George RR Martin na ipalalabas sa August 21 — ay ipasisilip na ng HBO.
Binalewala ni Martin ang usapan ng “rivalry” sa pagitan ng dalawang mega-franchises, at iginiit sa kaniyang blog post . . . “I want both shows to find an appreciative audience, and give them great television. Great fantasy. The more fantasy hits we have, the more great fantasy we are likely to get,”
Ngunit umaasa ang HBO, na matutumbasan ng prequel ang “wild popularity” ng original “Thrones,” na ang walong seasons ay naging “appointment viewing,” pinagmulan ng hindi mabilang na imitasyon at nagwagi ng 59 na Emmy Awards — na isang record para sa isang drama sa katumbas ng Oscars sa telebisyon.
Pinagbibidahan ni Matt Smith, Rhys Ifans at Emma D’Arcy, ang “House of the Dragon” ay kuwento ng mahilig pumatay at nagpaparami ng dragong Targaryen family, may 300 years bago ang mga events sa “Thrones.”
Ang mga bituin nito ay lalabas Hall H pagkatapos na pagkatapos ng isang movie presentation mula sa sister company ng HBO na Warner Bros Pictures, na nakatakdang magtampok kay Dwayne “The Rock” Johnson, na ipino-promote naman ang susunod niyang superhero film na “Black Adam.”
Samantala, itinatago naman ng Disney ang sarili nilang Hall H presentation, nguni’t may mga sabi-sabi na sa wakas ay ipasisilip na nito ang matagal nang inaabangang “Black Panther 2” sequel.
Sa Comic-Con week ay tampok din ang send-off para sa final season ng “The Waling Dead” ng AMC at ang paglulunsad naman sa bagong spin-off, ang anthology-style na “Tales of the Walking Dead.”
Ngunit para kay Glanzer, ang blockbuster studio showcases ay secondary lamang sa kung ano talaga ang Comic-Con: isang komunidad para sa kaniyang fans.
Aniya . . . “To be able to see people have a good time, enjoying comics and popular art is a gift that I look forward to. I really, really do… We get to come home. What better thing to be able to do than that — and share it with your friends.”
© Agence France-Presse