910 na bagong kaso ng Omicron subvariants, naitala sa bansa
May 910 bagong kaso ng subvariants ng Omicron ang naitala sa bansa.
Sa pinakahuling genome sequencing, may 816 bagong kaso ng BA.5 subvariant ang naitala.
Ayon kay Department of Health Officer in Charge Ma Rosario Vergeire, may presensya na ng mas BA.5 sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kumpara sa ibang subvariant, mas nakakahawa umano ang BA.5.
Sa 816 na bagong kaso ng BA.5, fully vaccinated na ang 560 habang bineberipika naman ang nasa 256 na iba pa.
Nakarekober naman na ang 686 sa kanila, naka isolate pa ang 78 at inaalam pa ang estado ng iba.
Sa kabuuan, umabot na sa 1,108 ang naitalang BA.5 cases sa bansa.
May 42 bagong kaso rin ng BA.4 ang naitala ng DOH pero ang 36 sa kanila, nakarekober na habang patuloy namang naka isolate ang 5.
Ang 31 sa kanila fully vaccinated habang inaalam ang estado ng 11 iba pa.
Sa kabuuan, may 54 kaso na ng BA.4 sa bansa.
Nakapagtala naman ng 52 bagong kaso ng Ba.2.12.1, pero ang 49 sa kanila ay nakarekober na.
26 sa kanila ang fully vaccinated na habang 5 ay partially vaccinated.
Sa kabuuan, 139 Ba.2.12.1 cases na sa bansa.
Ayon kay Vergeire, inaalam pa nila ang exposure ng mga ito at maging kanilang travel histories.
Iginiit rin ng opisyal na sa ngayon ay hindi pa pwedeng sabihin na ang pagdami ng mga kaso ng COVID- 19 sa bansa ay dahil sa mga nabanggit na subvariants.
Madelyn Villar-Moratillo