Comelec nakapagtala ng mahigit 2.9 million na bilang ng mga nagparehistro para sa Barangay at SK Elections
Nakapagtala na naman ng record breaking na datos ang Commission on Elections matapos na umabot sa mahigit 2.9 milyon ang bilang ng mga nagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sa 18 araw na voter registration, may 1.8 milyong nasa edad 15 – 17 anyos ang nagparehistro, mahigit 963 libo naman sa mga nasa edad 18 hanggang 30 anyos at mahigit 158 na libo sa nasa edad 31 pataas.
May mahigit 963 libo namang aplikasyon para sa transfer, reactivation, at correction ang natanggap ng poll body.
Sa kabuuan, ayon kay Laudiangco, may mahigit 3.9 milyong aplikasyon kaugnay ng Barangay at SK elections ang natanggap ng Comelec.
Sa ngayon, tuloy tuloy parin aniya ang kanilang preparasyon para sa halalan habang naghihintay kung ano ang kahihinatnan ng mga panukala sa kongreso na layong maipagpaliban ang Barangay at SK elections sa Disyembre.
Madelyn Villar – Moratillo