Ilang heritage sites sa Ilocos sur at Ilocos norte, nawasak ng lindol
Ilang heritage sites sa ilocos sur at ilocos norte ang nawasak sa nangyaring 7.0 magnitude na lindol.
Ayon kay Senator Imee Marcos, kabilang na rito ang Bantay Bell Tower, Laoag Bell Tower, Sarrat heritage houses at iba pang istraktura.
Kasama aniya sa nagkaroon ng damage ang kanilang ancestral home.
Kinordonan na aniya ang Bell tower sa Laoag para hindi na ito puntahan ng mga tao dahil may mga bato pa ring nahuhulog .
Wala na aniyang suplay ng kuryente sa lalawigan dahil bumagsak at nawasak rin ang ilang power transformers.
Marami ring nawasak na kalsada at gumuho ang malalaking bato sa Nueva era Ilocos Norte, Abra road.
Sinabi ni Marcos na ipinag- utos na rin ng mga local government officials sa Region 1 ang preventive evacuation sa mga nakatira sa mga coastal barangay dahil sa panganib ng tsunami.
Si Marcos ay abala sa pagtulong sa ginagawang monitoring sa mga lalawigang matinding tinamaan ng lindol.
Photo : Provincial Government of Ilocos Norte
Umapila na rin ang Senador ng tulong para sa mga kababayan tulad ng mga ready to eat food, at iba pang basic necessities.
Meanne Corvera