National Brigada Eskwela, umarangkada na

Umarangkada na ang National Brigada Eskwela bilang paghahanda para sa pagbubukas ng klase sa August 22.

Ginawa ang kick off program sa Imus Pilot Elementary School sa cavite na pinangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte – Carpio.

May tema itong tugon sa hamon ng ligtas na balik aral na layong gawing ligtas ang lahat ng pasilidad sa mga eskwelahan para sa pagbabalik ng klase ngayong taon .

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Duterte na personal niyang nakita ang mga eskwelahan sa nangyaring bagyong Odette sa Bohol .

Habang mahigit isang libo ang mga classroom na nasira sa Magnitude 7 na lindol sa Northern luzon.

Pero hindi aniya ito dapat makaapekto sa kanilang misyon na makapagbigay ng dekalidad na edukasyon sa mga kabataan.

Sinabi ng pangalawang Pangulo, batay sa assessment ng NDRRMC mangangailangan ng 1.4 billion pesos para sa repair ng 451 classrooms na nasira ng lindol at 706 na iba pa na nagkaroon ng damage.

Pero kahit maraming eskwelahan ang nasira, tuloy ang pagbubukas ng klase sa August 22 .

Umapila naman ang kalihim sa mga guro at iba pang personnel na  hindi pa bakunado laban sa COVID-19 na magpabakuna.

Sa ngayon, umaabot na sa may 11.6 milyong mga kabataang nagpa-enroll para sa school year 2022 hanggang 2023.

Kakatulungin naman ng Deped ang mga local government officials para maipatupad ang full force na face to face classes.

Meanne Corvera

Please follow and like us: