Biden nilagdaan ang pagpapatibay sa Finland-Sweden NATO bids
Nilagdaan ni President Joe Biden ang US Ratification of bids ng Finland at Sweden para pumasok sa North Atlantic Treaty Organization o NATO.
Ito ay para mapalawak ang western alliance bilang tugon sa naganap na pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Dalawang bansa sa Northern Europe ang magiging malakas dahil ‘sacred commitment’ sa mutual defense sa us-led transatlantic alliance.
Bumoto ng 95-1 ang Senado ng Amerika pabor sa nordic states accession, kung saan naging pang -23 sa 30 NATO countries ang Amerika na nagbigay ng pormal na endorsement.
Pinuri ni Biden ang Finland at Sweden at tinawag ang dalawang bansa na ‘ malakas na demokratikong institusyon, malakas na pwersa ng militar at transparent economies na magpapalakas sa NATO.
Agence France – Presse