South Sumatra, Indonesia, tinamaan ng magnitude 6.0 na lindol
Isang 6.0 Magnitude na lindol ang tumama sa baybayin ng Indonesia ayon sa US Geological Survey (USGS), subali’t wala namang agad iniulat na casualties o damages.
Ang mababaw na lindol ay nangyari sa katubigan ng Southwestern Coast ng Sumatra island, bandang 9:30 kagabi (1430 GMT) — pinakamalapit sa Bengkulu, South Sumatra at Lampung provinces.
Ayon sa local media, naging dahilan ito ng paglabas ng mga tao sa South Sumatra at Bengkulu mula sa kanilang mga bahay.
Gayunman, wala naman agad na iniulat ang mga awtoridad na namatay o napinsala. Sa pagtaya ng USGS, maliit lamang ang tiyansa ng pinsala sa ground ng Sumatra island. Wala ring inilabas na tsunami threat.
Ngunit pinayuhan ng Indonesian Meteorology and Geophysics Agency (BKMG) ang mga residente na maghanda sa posibleng aftershocks.
Ayon sa BKMG, ang pagyanig ay isang 6.5 Magnitude na lindol na ang sentro ay nasa dagat halos 64 kilometro mula sa dalampasigan.
© Agence France-Presse