Pagtatalaga kay retired PNP chief Camilo Cascolan sa DOH , idenepensa ng mga Senador
Hindi kailangang maging doktor para mamuno sa isang organisasyon tulad ng Department of Health o DOH.
Ito ang depensa ni Senador Ronald bato dela Rosa sa pagkakatalaga sa kaniyang dating kasamahan sa pambansang pulisya na si dating PNP Chief Camilo Cascolan na umani ng batikos matapos italaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang undersecretary sa DOH.
Ayon kay dela Rosa, bilang dating pinuno ng pnp, higit na may karanasan si Cascolan lalo na sa management.
Sinabi ng Senador, prerogative ng Pangulo na magtalaga ng sa tingin nito ay makakatulong para umunlad ang administrasyon at makapagserbisyo sa publiko.
Wala siyang nakikitang masama kung isang heneral ang itinalaga ng Pangulo sa Health department at hindi ito dapat ituring na insulto sa mga nasa medical field.
Iginiit naman ni Senador Christopher Bong Go na kuwalipikado si Cascolan sa pwesto lalo na para magpatupad ng disiplina, health at safety measures ngayong may pandemya
Marami rin aniyang naging karanasan si Cascolan sa public service dahil naging undersecretary ito ng Office of the President mula February 2021 hanggang matapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte .
Malaki aniya ang maitutulong nito sa pakikipaglaban ng gobyero sa COVID- 19 at iba pang panganib sa kalusugan.
Meanne Corvera