Ukraine, nawalan ng suplay ng tubig at kuryente makaraang atakihin ng missile ng Russia

Kyiv residents fill plastic containers and bottles at a water pump in one of the parks in the Ukrainian capital Kyiv on October 31, 2022. - Ukraine suffered sweeping blackouts and water supplies were cut for 80 percent of Kyiv residents on October 31, 2022, after what Ukrainian officials called another "massive" Russian missile attack on energy facilities. (Photo by SERGEI CHUZAVKOV / AFP)

A view of the Ukrainian capital Kyiv, as the city is plunged into darkness following a military strike that partially brought down the power infrastructure on October 31, 2022. (Photo by Sergei SUPINSKY / AFP)

Nakaranas ang Ukraine ng malawakang blackout at naputol ang mga suplay ng tubig sa malaking bahagi ng Kyiv, matapos ang panibagong pag-atake ng missile ng Russia sa mga pangunahing imprastraktura.

Sinabi ng commander in chief ng Ukrainian army na si Valeriy Zaluzhnyi, na ang Russia ay naglunsad ng 55 cruise missiles at dose-dosenang iba pang mga munisyon sa “civilian targets” sa buong bansa, ilang araw matapos sisihin ng Russia ang Ukraine para sa drone attacks sa kanilang fleet na nasa Black Sea.

Ayon kay Presidential adviser Oleksiy Arestovich, “The bombardment is one of the most massive shellings of our territory by the army of the Russian Federation. But thanks to improved air defenses, the destruction is not as critical as it could be.”

Bagama’t sinabi ng hukbo na marami sa mga missile ang napabagsak, sinabi ni Punong Ministro Denys Shmygal na ang mga pag-atake ay nagdulot pa rin ng pagkaputol ng kuryente sa “daan-daang” mga lugar sa pitong rehiyon ng Ukraine, kung saan ilan sa mga pagsabog ay narinig sa Kyiv, kabisera ng bansa.

Ayon sa alkalde ng siyudad na si Vitali Klitschko, 40 porsiyento ng consumers ang nawalan ng suplay ng tubig, habang 270,000 mga bahay naman ang nawalan ng kuryente.

Kyiv residents fill plastic containers and bottles at a water pump in one of the parks in the Ukrainian capital Kyiv on October 31, 2022. (Photo by SERGEI CHUZAVKOV / AFP)

Makikita sa kanluran ng Kyiv, ang higit sa 100 kataong nakapila bitbit ang mga plastik na bote at lalagyan, habang naghihintay na makakuha ng tubig mula sa fountain ng isang parke.

Sinabi ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba, “Instead of fighting on the battlefield, Russia fights civilians. Ukraine’s battered energy infrastructure would be repaired with equipment from 12 countries.”

Kinumpirma ng Russian army na nagsagawa nga sila ng cruise missile strikes, at tinamaan ang lahat ng kanilang target.

Samantala sa Moldova, sinabi ng gobyerno na ang isang Russian missile na pinabagsak ng Ukrainian air defenses ay bumagsak sa village ng Naslavcea sa hilaga ng bansa, subalit wala namang napaulat na nasaktan.

Isang sundalo na malapit sa isang target ang nagsabi na tatlong missiles ang tumama sa isang site sa hilaga ng Kyiv.

Ang mga naunang pag-atake ngayong buwan, ay ikinasira na ng halos tatlong bahagi ng power stations ng Ukraine.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *