Produksiyon ng iPhone sa Foxconn China plant, apektado ng COVID lockdown
Inihayag ng Apple na pansamantalang naapektuhan ng COVID-19 restrictions ang produksiyon sa malaking iPhone factory ng Foxconn sa central China, makaraang i-lockdown ngTaiwanese tech giant ang pinakamalaking manufacturer ng mga bagong device, dahil sa pagtaas ng mga kaso.
Nasumpungan kasi ng Foxconn, principal subcontractor ng Apple, ang pagtaas sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang Zhengzhou site, na nagresulta upang isara ng kompanya ang malawak na complex para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Sa isang pahayag ay sinabi ng California-based company, “Covid-19 restrictions have temporarily impacted the primary iPhone 14 Pro and iPhone 14 Pro Max assembly facility located in Zhengzhou, China. The facility is currently operating at significantly reduced capacity.”
Ang Foxconn ang pinakamalaking private sector employer ng China, na mayroong higit isang milyong mangagawa na nagtatrabaho sa magkabilang panig ng bansa sa halos 30 factories at research institutes.
Subalit ang Zhengzhou ang itinuturing na “crown jewel” ng Taiwanese company, dahil sa paglalabas nito ng iPhones na ang dami ay hindi pa nakita kahit saan.
Sinabi ni Ivan Lam, isang analyst sa specialist firm na Counterpoint, “In a normal situation, almost all the iPhone production is happening in Zhengzhou. “
Ini-lockdown ng mga lokal na awtoridad ang lugar na nakapaligid sa pabrika, bago lumabas ang mga ulat ng kakulangan ng sapat na pangangalangang medikal sa planta.
Isinalaysay ng maraming manggagawa ang mga eksena ng kaguluhan at pagtaas ng insidente ng disorganisasyon sa complex ng mga workshop at dormitoryo ng Foxconn, na bumubuo sa isang lungsod-sa-loob ng isang-lungsod malapit sa paliparan ng Zhengzhou.
Ayon sa isang 30-anyos na Foxconn worker na ayaw magpabanggit ng pangalan, “People with fevers are not guaranteed to receive medicine. We are drowning.”
Ang China ang huling pangunahing ekonomiya na mahigpit na nagpapatupad ng isang estratehiya sa pagpuksa sa paglaganap ng Covid habang umuusbong pa lamang ito, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga snap lockdown, mass testing at mahabang quarantine sa kabila ng malawakang pagkagambala sa mga negosyo at sa international supply chains.
Binalewala rin ng mga awtoridad ang mga espekulasyon na ang mga polisiya ay maaari nang luwagan, kung saan sinabi ni National Health Commission (NHC) spokesperson Mi Feng, na ang Beijing ay magpapairal pa rin ng overall policy ng dynamic zero-Covid.
Ayon kay Mi, “At present, China is still facing the dual threat of imported infections and the spread of domestic outbreaks. The disease control situation is as grim and complex as ever. We must continue to put people and lives first.”
© Agence France-Presse