Travel incentive program ng DOT at DMW na Bisita, Be My Guest, inilunsad

Para mapalakas pa lalo ang turismo sa bansa, pormal nang inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang travel incentive program nito na “Bisita, Be My Guest” (BBMG).

Sa ilalim ng BBMG, ang mga Pilipino lalo na ang mga Pinoy sa ibang bansa at overseas Filipino workers o sponsors na makapagimbita ng mga dayuhan o invitees na bumisita sa Pilipinas ay mabibigyan ng raffle ticket at ng tsansa na manalo ng espesyal na premyo.

Ang mga lalahok ay maaari ring makapag-avail ng mga diskuwento at packages sa panahon ng promotional campaign gamit ang Bisita, Be My Guest Travel Passport at Privilege Card.

Makakatuwang ng DOT sa programa ang Department of Migrant Workers (DMW) na lumagda ng kasunduan para sa implementasyon ng BBMG.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, bukod sa pagpapadami ng foreign tourist arrivals ay pagkakataon ang programa sa mga Pinoy lalo na sa OFWs na maging tourism ambassador ng bansa.

Hinimok naman ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang mga Pinoy na makiisa at gawing na “pambansang effort” ang paghikayat sa mga dayuhan na bumisita sa Pilipinas at ipadama sa mga OFWs ang kahalagahan nila bilang tourism ambassadors.

Sa pinakahuling tala ng PSA, nasa 1.77 million ang bilang ng OFWs.

Naniniwala ang DOT at DMW na dahil sa maraming bilang ng Pinoy abroad ay magandang oportunidad ito para mapaigting ang turismo ng Pilipinas.

Ang OFWs anila ang napili na maging tourism ambassadors dahil kinakatawan nila ang pinakamabubuti sa katangian ng mga Pinoy.

Magsisimula ang programa mula unang araw ng Enero hanggang Abril 30 ng susunod na taon.

Ang mga lalahok ay maaaring sumali sa pamamagitan ng BBMG website.

Magkakaroon ng tatlong raffle draws sa panahon ng kampanya para sa mga premyo ng parehong sponsors at invitees.

Ilan sa puwedeng mapanalunan ay holiday vacation packages, condominium units, at kotse.

Umaasa ang DOT at DMW na magiging matagumpay ang kampanya.

Inihayag pa ni Frasco na paraan ang programa upang makatulong sa nation building ang mga Pinoy at maipakita ang kanilang pagmamahal nila sa bansa.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *