Planong pagbili ng bivalent vaccine, dapat masigurong magagamit ayon sa Senado
Dapat munang pag-aralan ng gobyerno ang planong pagbili ng bivalent vaccine laban sa COVID-19 sa unang quarter ng taon.
Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go na Chairman ng Senate Committee on Health, dapat munang tiyakin ng Department of Health kung talagang epektibo ang naturang bakuna at kung talaga bang kailangan na ito ngayon ng publiko.
Katuwiran ng Senador, napakarami pang stocks ng bakuna pero marami sa ating mga kababayan ang ayaw magpabakuna.
Katunayan aniya nito ang apatnaput apat na milyong doses ng bakuna na nasira at hindi na napakinabangan.
Hinihingan ng report ng Senador ang DOH sa imbentaryo ng mga natitirang bakuna at kung ilan ang kailangan turukan ng bivalent vaccine.
Giit ng Senador, sayang ang pondo kung hindi naman magagamit ang mga bibilhing panibagong bakuna.
Meanne Corvera