Goldman Sachs, magbabawas ng 3,200 trabaho
Plano ng Goldman Sachs na magbawas ng 3,200 mga trabaho at maaaring inunsiyo ito ngayong linggo.
Hindi naman tumugon ang American investment bank nang sila ay hingan ng pahayag.
Ayon sa isang source na may nalalaman sa isyu, maaaring 3,200 mga trabaho ang maaalis, mas kakaunti kaysa 4,000 na binanggit sa mga mamamahayag noong nakaraang buwan, at posibleng bahagya pa itong mabawasan.
Ang mas malaking bilang na 4,000 ay humigit-kumulang 8 porsiyento ng staff ng bangko.
Karaniwan nang nagbabawas ang Goldman Sachs ng humigit-kumulang isa hanggang limang porsyento ng kanilang headcount bawat taon, na ang target ay ang underperforming staff.
Sinabi ng isang taong pamilyar sa bagay na ito, na ang pagbabawas ngayong taon ay magiging mas malalim kaysa karaniwan sa harap ng hindi tiyak na economic outlook at paglago sa staff ng Goldman nitong nakalipas na mga taon.
Sa pagtatapos ng Oktubre, ang staff ng Goldman ay 49,100, mas mataas ng halos 30 porsiyento mula sa pagtatapos ng 2019 pagkaraan ng hiring campaigns at acquisitions.
Ang nakaplanong pagbabawas sa trabaho ay ginawa habang ang Goldman Sachs at iba pang mga investment bank ay nakakita ng malaking pagbaba sa mga bayarin na nauugnay sa mga paunang public offerings, at inilarawan ang isang malabong pananaw para sa pagsasanib at mga pagbili sa 2023 dahil sa kawalan ng katiyakan sa ekonomiya.
© Agence France-Presse