Chinese teenager, gumawa ng kasaysayan sa Australian Open matapos magwagi sa unang pagkakataon
Gumawa ng kasaysayan ang Chinese teenager na si Shang Juncheng, matapos maging unang lalaking Chinese player na nagwagi sa Australian Open main draw singles match.
Dinaig ng 17-anyos na isang qualifier, si Oscar Otte ng Germany sa score na 6-2, 6-4, 6-7 (2/7), 7-5 sa halos tatlong oras na matinding tennis match.
Sunod niyang makahaharap ay ang American 16th seed na si Frances Tiafoe o kaya naman ay ang German na si Daniel Altmaier.
Bukod sa mahalagang panalo na ito para sa China, nagkaroon din si Shang ng ilang personal milestones, dahil bukod sa una niyang major win, nakuha rin niya ang una niyang tour-level win sa apat na pagtatangka.
Si Shang, na pinakabatang manlalaro sa men’s draw, ay nangunguna sa “historic charge” sa Melbourne kasama ng tatlong iba pang lalaking Chinese players na lalaban sa alinmang Grand Slam main draw mula nang magsimula ang Open era noong 1968.
Kasama niya ang mga kapwa Chinese na sina Zhang Zhizhen at Wu Yibing.
Mayroong pitong Chinese women sa singles draw, sa pangunguna ng beteranang si Zhang Shuai, na ranked 22 sa mundo.
Ang retirado nang si Li Na namamalaging pinakamahusay na player ng China, makaraan niyang magwagi sa French Open noong 2011 at Australian Open tatlong taon pagkalipas ng French Open.
© Agence France-Presse