Mahigit isang milyong trabaho maaaring ma generate kapag niratipikahan na ang RCEP

Aabot sa mahigit isa punto apat na milyong trabaho ang pangakong maibibigay sa mga Pilipino oras na maratipikahan na ang Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP.

Sa kaniyang pagdepensa sa RCEP, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na pangunahing makikinabang umano ang nasa sektor ng Agrikultura at Industrial sector.

Naninindigan si Zubiri na kailangan nang ratipikahan ang RCEP dahil napag-iiwanan na ang Pilipinas sa foreign direct investments.

Hindi rin aniya dapat mabahala ang mga magsasaka dahil bibigyan sila ng proteksyon sa ilalim ng RCEP.

Hindi kasi aniya papatawan ng tariff liberalization sa ilalim ng RCEP ang mga Agricultural product gaya ng bigas, swine meat, poultry products, patatas, sibuyas, bawang, asukal at carrots.

Pero si Senador Jinggoy Estrada, iginiit na pag-aralan muna ang naging posisyon ng India kung bakit hindi ito pumasok sa RCEP noong 2019.

Nangangamba kasi aniya ang India na tumaas ang kanilang trade deficit bukod pa sa walang malinaw na hakbang sa pagdagsa ng imported products at import competition sa agrikultura.

Ngayong araw inaasahang mararatipikahan na ang RCEP.

Kailangan ang two third votes o labing-anim na boto ng mga Senador bago tuluyang makalusot ang RCEP.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *