Panibagong missile tests ng NoKor, kinondena ng DFA
Muling nanawagan ang gobyerno ng Pilipinas sa North Korea na ihinto ang mga missile test nito sa Korean Peninsula.
Sa harap ito ng panibagong pagpapakawala ng intercontinental ballistic missile (ICBM) ng North Korea noong Pebrero 18 at iba pa nitong ballistic missile tests.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinukondena ng Pilipinas ang missile tests dahil ito ay lumilikha ng tensiyon at sinisira ang kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula, sa rehiyon, at sa buong mundo.
Umapela ang DFA sa NoKor na sumunod ito sa mga resolusyon ng United Nations Security Council.
Hinimok din ng kagawaran ang NoKor na idaan ang isyu sa diplomasya at mapayapang dayalogo sa South Korea.
Moira Encina