Cong. Teves namataan sa South Korea – Villanueva


Namataan umano sa South Korea si Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves Jr.

Si Teves na idinadawit sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay patuloy na tumatangging umuwi sa bansa sa kabila na nagpaso na ang kaniyang travel authorization para sa personal na bakasyon sa Estados Unidos noong Marso 8.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order, sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na apat ang nagsabi sa kaniyang nakita si Teves na kumakain sa buffet ng Lotte Hotel sa South Korea, dalawang araw na ang nakalilipas.

Nang tanungin si Justice Secretary Crispin Remulla, sinabi nito na wala pang nailalabas na warrant of arrest laban kay Teves.

Kaya si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, chairman ng Committee on Public Order, nanawagan sa kongresista na umuwi na sa bansa at humarap sa pagdinig sa Senado.

Dagdag ni dela Rosa, wala aniyang dahilan para arestuhin o patayin siya sakaling lumantad.

“Cong. Teves, if you are monitoring, wala kang warrant pala, no reason to be arrested when you surface. Puwede ka pumunta dito, hihintayin ka namin,” sabi pa ni dela Rosa.

Kung lalake ka, lalake rin kaming kausap. Hindi ka mamamatay kung nasa loob ka ng Philippine territory,” diin pa ng Senador.

Muli namang tiniyak ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos napoprotektahan si Teves at hindi papayagang mapatay o magkaroon ng galos.


Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *