Sunog sa isang ospital sa Beijing na ikinasawi ng 21, iimbestigahan na

People gather outside the Changfeng Hospital, where a fire ripped through the building in Beijing, killing 21 people, state media reported. - An investigation was underway on April 19 after a fire ripped through a hospital in China's capital Beijing, killing 21 people, state media reported. (Photo by GREG BAKER / AFP)

People gather outside the Changfeng Hospital, where a fire ripped through the building in Beijing, killing 21 people, state media reported. – An investigation was underway on April 19 after a fire ripped through a hospital in China’s capital Beijing, killing 21 people, state media reported. (Photo by GREG BAKER / AFP)

Iimbestigahan na ang nangyaring sunog sa isang ospital sa Beijing, kapitolyo ng China, na ikinasawi ng 21 katao.

Unang nakatanggap ang emergency response teams ng balita bago mag-ala una ng hapon nitong Martes, tungkol sa sumiklab na sunog sa Beijing Changfeng Hospital, sa Fengtai District ng Beijing.

Makalipas ang nasa isa’t kalahating oras ay naapula na ang apoy, habang nagpatuloy naman ng dalawang oras pa ang rescue effort, kung saan sa mga oras na iyon ay 71 mga pasyente na ang nailikas at inilipat sa ibang lugar.

Sa balita sa mga pahayagan, umabot na sa 21 ang nasawi hanggang nitong umaga ng Miyerkoles. Wala namang dagdag pang mga detalye tungkol sa bilang ng mga nasaktan sa sunog at sa kalagayan ng mga biktima.

Binisita ng matataas na opisyal ng siyudad ang ospital matapos ang sunog, kung saan ipinangako ni Beijing party secretary Yin Li na “agad aalamin ang sanhi ng aksidente at papananagutin kung may mga responsable.”

A damaged window is seen at the Changfeng Hospital in Beijing on April 19, 2023, after a fire broke out a day earlier. (Photo by GREG BAKER / AFP)

Hindi rin agad nalinawan kung lahat ng mga okupante ay natagpuan at nailikas mula sa sunog, na nagmula sa east building ng inpatient department ng naturang pribadong ospital.

Nabatid na ang mga nasawi ay nakumpirma makaraang dalhin ang mga biktima sa isang hindi natukoy na pagamutan, para sa emergency treatment.

Ayon sa China Youth Daily, maraming miyembro ng pamilya ang nawalan ng kontak sa mga pasyente, kung saan karamihan sa mga nawala ay matatanda na may problema sa pagkilos.

Ang Beijing Changfeng Hospital ay nasa western urban area ng kapitolyo, at nasa 25 minuto ang layo mula sa Tiananmen Square kung pupuntahan lulan ng isang kotse.

Ang nakamamatay na mga sunog ay karaniwan na sa China dahil sa mahinang safety standards at kakulangan ng pagpapatupad nito.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *