Militar ng Japan nakaalerto dahil sa pangamba sa North Korean missile
Inatasan ng Japan ang kanilang militar na maging handa para pabagsakin ang isang North Korean ballistic missile, makaraang sabihin ng Pyongyang na handa na silang ilunsad ang una nilang military spy satellite.
Upang magawa ito ay kakailanganin ng isang long-range projectile, na ipinagbabawal sa North Korea na ilunsad dahil sa pananaw ng United Nations, iyon ay isang ballistic missile technology test.
Ayon sa isang pahayag mula sa ministry of defence, sinabi ni Japanese minister Yasukazu Hamada sa Self-Defense Forces ng Japan, “there is a possibility of ordering destructive measures against ballistic missiles and others.”
Inatasan ni Hamada ang military troops na “ipatupad ang kinakailangang hakbang upang malimitahan ang pinsala sa pagbagsak ng isang ballistic missile.”
ipinag-utos niya ang paghahanda para sa deployment ng destroyers na mayroong SM-3 missile interceptors, gayundin ng military units sa southern prefecture ng Okinawa na kayang mag-operate ng Patriot PAC-3 missiles.
Noong 2012 at 2016, nagsagawa ng testing ang North Korea ng ballistic missiles na tinawag ng Pyongyang na satellite launches.
Kapwa pumailanlang sa Okinawa region ang nabanggit na missiles.
Sa ulat ng japanese media, katulad na paghahanda noong 2012 ang ipinag-utos ng defence ministry.
Hindi naman nagbigay ang Pyongyang ng petsa ng paglulunsad, sa halip ay sinabi lamang ni North Korean leader Kim Jong Un na ang satellite ay pakakawalan sa isang planadong petsa.
Sa ginanap na pulong ng G7 foreign ministers sa Japan noong Martes, ay hiningi ng mga ito sa North Korea na huwag nang ituloy ang dagdag pang ballistic missile tests kasunod ng marami nilang ginawang paglulunsad ngayong taon.
Binalaan din ng grupo ng mayayamang mga bansa ang Pyongyang laban sa pagsasagawa ng inaasahang nuclear weapons test, at sinabing magkakaroon ng “robust” response kung hindi ito susunod.
Noong isang linggo, sinabi ng Pyongyang na matagumpay nitong nasubok ang isang solid-fuel intercontinental ballistic missile, at tinawag ito bilang isang pambihirang tagumpay para sa kakayahan ng uclear counterattack ng bansa.
© Agence France-Presse