‘Super Mario’ tatlong linggo nang nangunguna sa N.America
Impresibo ang $58.2 million ticket sales ng “The Super Mario Bros. Movie” sa North American movie theaters, kung kaya’t madali nitong dinaig ang dalawang bagong challengers.
Ang joint effort ng Universal, Nintendo at Illumination studios, na nasa ikatlong linggo na ngayon ng pagpapalabas, ang itinuturing sa ngayon na top movie ng 2023, kung saan mayroon na itong $434.3 million kita domestically at $437 million naman internationally.
Kabilang sa Voice actors sa game-based animation sina Chris Pratt, Anya Taylor-Joy, Jack Black at Keegan-Michael Key.
Nasa ikalawang puwesto naman para sa Friday-through-Sunday period ang horror movie ng Warner Bros. Na “Evil Dead Rise,” na kumita ng $23.5 million – na ayon sa analyst na si David Gross, “an ‘excellent opening’ for a movie made for just $17 million.”
Pinagbibidahan ito nina Lily Sullivan at Alyssa Sutherland na gumanap bilang magkapatid.
Isa pang bagong release, ang action war movie ng MGM na “Guy Ritchie’s The Covenant,” ay hindi masyadong naging maganda ang opening, dahil kumita lamang ito ng tinatayang $6.3 million at nasa ikatlong puwesto.
Tampok ang aktor na si Jake Gyllenhaal sa pelikulang tungkol sa istorya ng isang US army sergeant na pagkatapos umuwi sa Estados Unidos, ay muling bumalik sa Afghanistan para iligtas ang isang kaibigan (na ginagampanan ng Iraq-born na si Dar Salim), na dati siyang iniligtas mula sa Taliban.
Nasa pang-apat na puwesto naman na malakas pa rin sa ika-limang linggo niyang pagpapalabas, ang Lionsgate neo-noir thriller na “John Wick: Chapter 4,” na kumita ng $5.8 million. Pinagbibidahan ito ni Keanu Reeves.
At nasa pang-lima ang “Air” ng Amazon Studios, isang sports drama tungkol sa business deal sa pagitan ng Nike at ng Michael Jordan basketball shoe na may kaparehong pangalan, na kumita ng $5.5 million.
Narito naman ang bubuo sa top 10:
“Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves” ($5.4 million)
“The Pope’s Exorcist” ($3.3 million)
“Renfield” ($3.1 million)
“Beau Is Afraid” ($2.7 million)
“Suzume” ($1.6 million)
© Agence France-Presse