Netflix mamumuhunan ng $2.5B sa South Korean content
Inanunsiyo ng CEO ng streaming giant na Netflix na si Ted Sarandos, na mamumuhunan sila ng $2.5 billion sa South Korean content sa susunod na apat na taon, makaraan ang pakikipagpulong kay South Korean President Yoon Suk Yeol sa Washington.
Naging matibay na ang status ng South Korea bilang isang global cultural powerhouse sa nakalipas na mga taon, bahagi nito ay dahil sa nakagugulat na tagumpay ng Oscar-winning film na “Parasite” at sa pumatok na Netflix series na “Squid Game.”
Sa isang pahayag ay sinabi ni Sarandos, “Netflix is delighted to confirm that we will invest USD 2.5 billion in Korea including the creation of Korean series, films, and unscripted shows over the next four years. This investment plan is twice the total amount Netflix has invested in the Korean market since we started our service in Korea in 2016.”
Sinabi ni Sarandos na “malaki ang tiwala” ng Netflix na ang malikhaing industriya ng South Korea ay patuloy na lilikha ng magagandang kuwento, at tinukoy ang kamakailan ay naging tagumpay ng global hits gaya ng “The Glory” at reality show na “Physical 100.”
Dagdag pa niya, “It is incredible that the love towards Korean shows has led to a wider interest in Korea, thanks to the Korean creators’ compelling stories. Their stories are now at the heart of the global cultural zeitgeist.”
Sa nakalipas na ilang taon, ay binulabog ng South Korean content ang buong mundo, kung saan higit 60 percent ng Netflix viewers ay nanonood ng palabas mula sa East Asian country noong 2022, batay sa company data.
Una nang sinabi ng Netflix, na gumugol na ng higit sa 1 trillion won ($750 million) sa pagdevelop ng Korean content mula 2015 – 2021, na palalawakin nito ang kanilang South Korean show output, nang walang ibinigay na detalye sa plano nilang paggasta.
Samantala, pinuri naman ni Yoon, na dumating sa Washington nitong Lunes para sa anim na araw na state visit, ang aniya’y “napakahalagang” pakikipagpulong kay Sarandos.
Ang bagong investment ayon kay Yoon, “will be a great opportunity for the Korean content industry, creators, and Netflix. We sincerely welcome Netflix’s exceptional investment decision.”
Si Yoon ay sinamahan ng higit sa 120 South Korean business leaders, kabilang ang Samsung chairman na si Lee Jae-yong, at ang pagbisita ay maaaring maging tugon sa kanilang ipinag-aalala tungkol sa Inflation Reduction Act ni US President Joe Biden.
Sinabi ng analysts, na ang tagumpay ng biyahe ay partikular na mahalaga para kay Yoon, na naghahangad na mapasigla ang mababa niyang domestic approval ratings laluna sa bahagi ng foreign policy.
© Agence France-Presse