$12M Multi-Hazard Impact Based Forecasting and Early Warning System inilunsad ng DOST-PAGASA

Inilunsad ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (DOST-PAGASA) ang Multi Hazard Impact Forecasting and Early Warning System for the Philippines.

Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na ang proyekto ay naglalayong makagawa ng nationwide system para sa government pro-active approach na may kinalaman sa Disaster Risk Management sa bansa.

Ayon kay Solidum napapanahon ang pagkakaroon ng Multi Hazard Impact Forecasting and Early Warning System dahil ang Pilipinas ay malimit na magkaroon ng kalamidad partikular ang mga malalakas na bagyo na nagdudulot pa ng mga matitinding pagbaha at landslides na pumipinsala ng buhay at kabuhayan.

Sinabi ng kalihim na magkakaroon ng close coordination ang lahat ng ahensya ng pamahalaan para maipatupad ang nilalayon ng gobyerno na mabawasan ang climate risk sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kabilang sa mga ahensyang ito ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Mines and Geoscience Bureau (MGB), Climate Change Commission (CCC), Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Maliban sa disaster risk reduction, sinabi ni Solidum na kailangan ding matiyak ng gobyerno ang food security ng bansa na apektado ng climate change na nagdudulot ng ibat-ibang weather conditions kasama na ang La Niña at El Niño phenomenon.

Ang Multi Hazard Impact Forecasting and Early Warning System for the Philippines Project ay mayroong pondo na US$12 million mula sa Green Climate Fund at Land Bank of the Philippines.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *