Amyenda sa EPIRA Law, isusulong sa Kamara
Isusulong ni Occidental Mindoro Congressman Leody Tarriela ang pagrepaso at posibleng amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) law.
Sa harap ito ng kinakaharap na problema sa kuryente ng kaniyang lalawigan na dumanas ng halos apat-na-oras lamang na supply ng kuryente sa isang araw nitong mga nakaraan.
Sa panayam ng NET25 tv/radyo program Ano sa Palagay Nyo? (ASPN) sinabi ni Tarriela na dapat inaral munang mabuti bago isinapribado ang iba’t ibang component ng power industry na dati ay hawak ng gobyerno.
Inihalimbawa ni Tarriela ang aspeto ng transmission na nagresulta sa mas mataas na presyo ng kuryente sa mga lalawigan gaya ng Occidental Mindoro na isang missionary area.
“Pag nasa missionary area ka mataas [ang halaga ng] mag-roduce ng kuryente,mas maraming supplier mas maganda, sa amin sa Occidental Mindoro, dapat bago pinaprivitize ito, sa akin lang ha at aaralin, dapat yung National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) bago na-privitize dapat yung mga probinsya na-connect na sa NGCP,” pagdidiin pa ni Tarriela.
Weng dela Fuente