PBBM muling tiniyak na hindi magiging “staging post” ang Pilipinas sa anumang military activity
Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magiging “staging post” ng anumang military action ang Pilipinas sa harap ng umiinit na tensyon sa rehiyon.
Nanindigan din si Pangulong Marcos na patuloy na isusulong ng PIlipinas ang kapayapaan.
Sa media interview habang nasa biyahe patungong Washington D.C, tinanong ang Pangulo ukol sa kaniyang pahayag ukol sa kailangang pagbabago sa 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) bilang bahagi ng kaniyang agenda sa pakikipagpulong kay US President Joe Biden.
“Simple lang ang goal natin sa Pilipinas, we work for peace… We’ll not encourage any provocative action by any country that involves, that will involve the… provocative action that will involve the Philippines by any other country. We will not allow that to happen,” paliwanag ng Pangulo.
“All we are worried about is the peace and the safety of our people, of here and abroad. And that’s the main consideration. So in my view, that’s the role,” dagdag pa ni Marcos.
Sinabi ng Pangulo na mahalaga ang papel na gagampanan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagpapanatili ng kapayapaan, at pagpapahupa ng tensyon sa rehiyon.
“And I think the best move for us is to stay within ASEAN, keep ASEAN solid, strong, and united. So that, if that’s the case, if we are… at least, we have a consensus and areas of agreement then it will remain strong and that will be… that ASEAN will still be the one to conduct and to lead the political fortunes of all the other countries around Asia,” paliwanag pa ng Pangulo.
Weng dela Fuente