PBBM aprubado ang pagbuo ng Inter-Agency Committee para resolbahin ang labor cases
Aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalabas ng isang Executive Order para sa pagbuo ng Inter-Agency Committee na magpapatatag sa koordinasyon at mabilis na pagresolba sa mga labor cases sa bansa.
Ang EO na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Linggo, Abril 30, 2023 ay nagpapalakas at nagpo-rpoteksta sa freedom of association at right to organize ng mga manggagawa.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, inaasahan nilang ito ang magiging simula ng sama-samang aksyon at hakbang ng gobyerno para matugunan ang matagal nang isyu na may kinalaman sa freedom of association.
Binigyang-pansin sa EO ang mga usapin ng iba’t ibang grupo sa implementasyon ng International Labor Organization (ILO) Convention no. 87.
“In view of reported incidents of acts of violence, extra-judicial killings, harassment, suppression of trade union rights and red-tagging allegedly perpetrated by State agents, targeting in particular, certain trade unions and workers’ organization,”’ nakasaad sa EO.
Ang bagong buong Inter-Agency Committee ay pamumunuan ng Executive Secretary at co-chaired naman ang Secretary of Labor.
Sa panayam ng programang Ano sa Palagay Nyo? (ASPN) ng NET25, sinabi ni Carlos Miguel Oñate, Legislative Officer ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dapat magkaroon din ng representasyon sa bagong Inter-Agency Committee ang employer at employees group.
“We welcome the efforts of the government, bagama’t wala pa kaming kopya, nananawagan tayo na dapat nandun [Inter-Agency Committee] ang representation sa tripartite kasama ang employers at workers,” pahayag ni Oñate.
Sinabi ni Oñate na mahalaga ang naging pagtugon ng Marcos administration dahil resulta ito ng ikatlong high-level visit ng ILO Mission sa Pilipinas at isa sa rekomendasyon nila ay ang pagbuo ng presidential body na tututok sa freedom of association.
“We cannot emphathize more sa pagtugon ng Pangulo, pangatlo na ito, pag hindi pa natugunan, ang maaaring sumunod ay yung bisita ng Commission of Inquiry, at maaaring ma-refer ito sa International Criminal Justice,” dagdag pa ni Oñate.
Weng dela Fuente