Suplay ng kuryente sa NAIA Terminal 3 naibalik na
Balik na ang supply ng kuryente sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), bandang 9:30am nitong Martes, May 1 naibalik ang supply ng kuryente sa terminal.
Mahigit walong oras na nakaranas ng power outage ang Terminal 3 na nagsimula bandang 1:00 ng madaling araw.
Wala pang inilalabas na pahayag ang MIAA at ang Department of Transportation (DOTr) ukol sa sanhi ng power failure at kung gaano karaming pasahero ang naapektuhan.
Dumating sa Terminal 3 si Transportation Secretary Jaime Bautista kasama ang ilang opisyal para magsagawa ng pagpupulong.
Hindi naman naiwasang uminit ang ulo ng mga pasahero na naabala dahil sa kanselasyon ng ilang flights bunsod ng pagkawala ng kuryente sa paliparan
Kabilang sa mga naapektuhan ng power failure ay ang nasa 150 tourism students ng Batangas State University.
Ayon sa BSU student na si Kristel Ilagan, dismayado sila dahil maaapektuhan ang 3 day 2 nights itinerary nila sa Bohol.
Pasado ala-una nang madaling-araw sila dumating sa NAIA para sana sa 8AM flight pero dahil sa mahabang pila sa ticketing ay naiwan sila ng flight.
Umalma rin si Ginang Lileth na pa-biyaheng Butuan dahil huli na sila na-abisuhan ng airline company na hindi pala tuloy ang biyahe nila ng 9AM.
Maging si Emmanuel at mga kasamahan niya na bibiyahe pa-Surigao del Norte para sa trabaho ay dismayado dahil sa dagdag na gastos nila bunsod ng kanselasyon.
Gayundin si Edmond na papunta sa Cebu para rin sa trabaho ay hindi na matutuloy dahil sa cancelled flight.
Sa kabuuan ay 48 na flights ang naapektuhan ng aberya.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
Flight Advisory No. 3
As of 12:30 P.M.
May 1, 2023 (Monday)
Canceled flights due to power outage
Cebu Pacific (5J)
5J 504/503 Manila-Tuguegarao-Manila
5J 325/326 Manila-Daraga-Manila
5J 383/384 Manila-Cagayan-Manila
5J 196/197 Manila- Cauayan-Manila
5J 703/704 Manila-Dipolog-Manila
5J 637/638 Manila- Puerto Princesa-Manila
5J 911/912 Manila- Caticlan-Manila
5J 553/554 Manila-Cebu-Manila
5J 617/618 Manila- Panglao-Manila
5J 483/484 Manila- Bacolod-Manila
5J 951/952 Manila-Davao-Manila
5J 793/794 Manila- Butuan-Manila
5J 859/860 Manila- Zamboanga-Manila
5J 993/994 Manila- General Santos-Manila
5J 781/782 Manila- Ozamiz-Manila
5J 909/910 Manila-Caticlan-Manila
5J 449/450 Manila-Iloilo-Manila
5J 659/660 Manila-Tacloban-Manila
5J 887/888 Manila- Cotabato-Manila
5J 773/774 Manila- Pagadian-Manila
5J 629/630 Manila-Dumaguete-Manila
5J 581/582 Manila-Cebu-Manila
5J 977/978 Manila-Davao-Manila
*5J 391/392 Manila- Cagayan-Manila
(*) Additional flight
Moira encina