Pagbabalik ng mandatory na pagsusuot ng face mask, pinaboran
Pinaboran ng ilang mga kababayan ang pagbabalik ng mandatory na pagsusuot ng facemask sa harap ng muling pagtaas sa kaso ng COVID-19.
Naniniwala ang ilan na makakatulong ang pagsusuot ng facemask hindi lang sa COVID-19 kundi sa iba pang nakakahawang sakit.
Halos 3-taon na rin daw nagsusuot ng facemask ang publiko kaya’t hindi na ito bagong bagay sa mga Pilipino.
Maging ang ilang Senador pabor na ibalik ang pagsusuot ng facemask kahit sa outdoor o mga pampublikong lugar.
Sinabi ni Senador Francis Tolentino na mas makaka-iwas sa sakit kung magsusuot ng facemask lalo’t isa sa sintomas ng bagong variant na XBB.1.16 ay sore eyes.
Nagpa-alala rin ang mambabatas sa publiko na maging alerto sa bagong variant at iwasang hawakan ang mata.
“Kasi yung Arcturus, remember that name, that’s the new variant. Yung variant na yun kasama yung sore eyes, so akala ninyo may sore eyes kayo kasi hawak sa kamay, hawak sa mata, akala ninyo sore eyes, yun na pala yung symptom,” paliwanag pa ni Tolentino.
Meanne Corvera