Job fair para sa mga health worker, isinagawa ng DOH

Nagsasagawa ng job fair ngayong Lunes, May 8, ang Department of Health (DOH) bilang selebrasyon sa National Health Workers (NHW).

Sa anunsyo ng DOH, gagawin ito sa convention hall sa headquarters ng kagawaran sa Sta Cruz Maynila.

Pero ang job fair ay isang araw lang na gagawin at tatagal hanggang 3pm.

Para sa mga interesadong aplikante, magdalala ng Personal Data Sheet, Work Experience Sheet, kopya ng Diploma at Transcript of Records; kopya ng Eligibility para sa mga professional, kopya ng trainings o seminars na dinaluhan, kopya ng latest Individual Performance and Commitment Review para sa mga nag-aaplay ng promotion.

Sa isang pahayag, kinilala naman ng DOH ang lahat ng healthcare workers.

Muling tiniyak ng DOH ang lahat ng kanilang efforts para maipamahagi na ang benepisyo at allowances ng healthcare workers kapwa public at private sector, pagbibigay ng scholarships at iba pang professional opportunities, at pagsulong ng standardization ng sweldo at benepisyo ng lahat ng manggagawa sa sector ng kalusugan.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *