Foreign tourists arrivals sa bansa higit 2M na – DOT
Umaabot na sa mahigit dalawang milyong dayuhan ang bumisita sa bansa ngayong taon.
Sa tala ng Department of Tourism (DOT), kabuuang 2,002,304 ang international visitor arrivals sa bansa mula Enero 1 hanggang Mayo 12, 2023.
Lagpas na ang nasabing bilang sa 1.7 milyon na international visitors na naitala noong 2022.
Ayon sa DOT, ang South Korea ang nangunguna na source market ng mga bisita sa bansa na 487, 502 (24.35%).
Sumunod ang U.S na 352, 894 (17.62%); Australia na 102, 494 (5.12%); Canada na 98, 593 (4.92%); at Japan na 97, 329 (4.86%).
Kasama sa top 10 source market ang China (75,043), Taiwan (62,654), United Kingdom (62,291), Singapore (53,359), at Malaysia (36,789).
Samantala, naitala naman ng DOT ang P168.52 billion na inbound visitor receipts mula Enero hanggang Marso.
Moira Encina