Pagtatayo ng Regional Specialty Hospitals, inendorso sa Plenaryo ng Senado
Itinulak na sa Plenaryo ng Senado ang panukalang batas na magtayo ng mga regional specialty hospitals sa buong bansa na isa sa mga prayoridad ng Marcos administration.
Pinangunahan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go, chairman ng Senate Committee on Health ang sponsorship ng Senate Bill no. 2212 para sa pagtatatag ng mga specialty center sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Department of Health (DOH).
Sinabi ng Senador na limitado ang mga specialized health care services tulad ng serbisyo ng Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at Philippine Children’s Medical Center (PCMC) kaya ang mga pasyente napipilitang magtungo pa sa Metro Manila.
Bilang co-sponsor ng panukala, kumpiyansa naman si Senate President Juan Miguel Zubiri na kung maisasa-batas ang panukala ay makapagtatayo na ng mga regional specialty centers sa mga lalawigan sa susunod na limang taon.
Naniniwala rin ni Senador Sonny Angara na sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga regional specialty centers ay mas mailalapit sa taumbayan, partikular sa mga rural areas ang serbisyong kinakailangan nila para sa kalusugan.
Meanne Corvera