Gunman sa pagpaslang sa radio broadcaster sa Oriental Mindoro, tukoy na – PNP

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng nakatakas na gunman na pumatay sa radio broadcaster na si Cresenciano ‘Cris’ Bunduquin noong Miyerkules ng madaling-araw sa Calapan, Oriental Mindoro.

Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr, may hawak na rin silang impormasyon ukol sa posibleng pinagtataguan ng suspek.

Inihahanda na rin ng Special Investigation Task Group (SITG) Bunduquin na pinamumunuan ni Oriental Mindoro Provincial Director Col. Samuel Delorino ang mga isasampang kaso laban sa suspek.

Ipinabusisi na rin ng heneral ang lahat ng posibleng motibo at mga indibidwal na nasa likod ng pamamaslang sa biktima

Sa ngayon umakyat na sa P150,000 ang nakalaang pabuya para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa kinatoroonan ng suspek

Sa harap nito, iginiit ni Gen. Acorda na isolated case ang kaso at kasama aniya sa kanilang prayoridad ang pagtiyak sa seguridad ng mga mamamahayag.

Inatasan na rin nila ang kanilang mga field commanders na makipag-ugnayan sa mga kagawad media upang alamin kung may mga natatanggap silang banta at mabigyan ng sapat na seguridad.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *