Kamara naghahanda na para sa 2nd SONA ni PBBM

Nagsimula na ang preparasyon ng mababang kapulungan ng Kongreso sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni House of Representatives Secretary General Reginald Velasco na nakipagpulong na ang mga opisyal ng Presidential Security Group (PSG) para sa paglalatag ng seguridad sa buong Batasan Complex kung saan isasagawa ang SONA ng Pangulo sa darating na July 24.

Ayon kay Velasco ipinag-utos na rin ni House Speaker Martin Romualdez ang pagtatalaga ng karagdagang viewing room sa SONA ng Pangulo dahil hindi 100% gagamitin ang seating capacity ng gallery sa plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Ito’y bilang pagtalima pa rin sa ipinatutupad na standard health protocol kaugnay pa rin ng kaso ng COVID-19.

Paglilinaw ni Velasco hindi makaka-upo sa plenaryo kundi ilalagay sa mga designated viewing room ang mga bisita na sasaksi sa SONA para mapanood pa rin ang pag-u-ulat sa bayan ng Pangulo sa pamamagitan ng live video streaming.

Niliwanag ni Velasco na lahat ng dadalo sa SONA ng pangulo ay idadaan sa COVID-19 antigen test bilang bahagi ng health protocol.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *