Hamon ni PBBM, itaguyod ang kalayaan sa pamamagitan ng husay at integridad
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kabataan ng kasalukuyang henerasyon para itaguyod ang kalayaang natamo ng bansa.
Ito’y sa pamamagitan ng pagsisikap para sa kahusayan at integridad sa lahat ng aspeto ng buhay at aktibong pakikibahagi sa kasalukuyang pakikibaka para sa kalayaan mula sa hamon ng lipunan.
“Now, in the age where battles remain but occur in places the eyes cannot see, it is more necessary to take to heart the immeasurable courage and loss that came out of our heroes.”
“For this, I challenge each of us: On the 125th year since the declaration of our freedom, let us assert our liberty day by day. In everything we do, let us pursue excellence and integrity with the knowledge that we are living out the visions our predecessors held on to and the comfort they toiled for,” bahagi ng ipinalabas na mensahe ng Pangulo.
“As we look towards a bright future. l urge all of us to take ownership of the fight that gave birth to the independence of our noble and indomitable republic,” dagdag pa ngPangulo.
Ipinalabas ng Pangulo ang mensahe sa pagdiriwang ng bansa ngayong araw ng ika-125 taong anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ipinahatid ni Pangulong Marcos ang kaniyang pakiki-isasa sa sambayanang Pilipino sa paggunita sa Araw ng Kasarinlan.
Ginunita rin ni Pangulong Marcos ang kabayanihan ng mga ninuno ng bansa na matapang na nakipagbaka para labanan ang pang-a-api ng mga dayuhan.
“The Filipino people, while incredibly diverse in culture, have constantly displayed solidarity in fighting for freedom across the archipelago and across generations. Thus, in honor of our ancestors’ valiant displays of nationalism.”
“This historic day confirmed what our forebears have religiously kept in their hearts: That we are the inheritors of the glorious heroism and nobility that our ancestors have demonstrated throughout our long and storied history.”
“The flag, national march, and proclamation in writing affirmed to them the victory that was brought forth by battles won and sacrifices made, which gave the mighty Filipinos the guidance and confidence to move forward united,” binigyang-diin pa ng Chief Executive.
Weng dela Fuente